![]() |
| Mga Batang Nag-aaral |
Tips para sipagin pumasok sa paaralan.
- Tandaan mong may baon ka na ulet.
- Tandaan mo na makikita mo na ulet ang crush mo.
- Tandaan mo na may mga bago kang makikilala na kaibigan.
- Tandaan mong masarap matuto lalo nat hindi ikaw ang nagpapaaral sa sarili mo kundi ang magulang mo.
- Tandaan mong hindi lahat ng taong katulad mo eh nakakapagaral. Tandaan mo na isa ka sa mga swerteng bata na nakakapagaral sa hirap ng buhay ngayon.
- Kapag pumapasok ka sa eskwelahan, maari kang makipagsabayan sa usapan ng ilang nakakatanda dahil sa may nalalaman ka sa paksa na yun.
- Ma eehersisyo na ulit ang iyong utak.
- May tiyansa ka na namang taasan ang grade mo at humiling ng bagong gadgets sa magulang mo.
- Tandaan mo na ayan lang ang tanging kasiyahan na maibibigay mo sa magulang mo, ang makakuha ng magagandang marka. Kaya ibigay mo ito. Ibinigay nila sayo ang pang tuition, kaya ibigay mo yung grade na gusto nila.
![]() |
| BULLYING |
Paano hindi ma bully sa eskwelahan?
Alam niyo bang naranasan kong ma bully sa eskwelahan? Yung dumating sa punto na ayaw ko ng pumasok kasi alam kong aasarin ako ng mga kaklase ko sa oras na makita nila ako? Yung lahat ng mata nila sa akin kasi nakikita nila akong mahina at nakikita nilang hindi ko kayang lumaban? Dumating sa punto na nagsasakit sakitan ako noon para lang makaiwas ng isang araw na hindi pumapasok sa eskwelahan. Maka iwas sa pang aasar, maka iwas sa pambubully ng mga inaasahan mo sanang maging kaibigan.
Madalas ito sa tingin ko kapag transferee ka sa eskwelahan, yung ikaw eh bagong estudyante, tapos magkakaklase dati yung mga nambubully sayo sa school. Yung nakakaramdam sila ng superiority sa mga sarili nila kasi nga “alam nilang may kakampi sila”.
Paano nga ba ito maiiwasan?
- Labanan mo ito sa pag-aaral ng mabuti - ipakita mo na hindi mo kailangan yung mga taong nambubully sayo. Yung ibang nambubully sayo titiwalag sa grupo yun at sasama sayo. Mag uumpisang magpaturo sayo sa oras na nahihirapan na sila sa mga academics.
- Mag-iba ka ng target na magiging kaibigan - Minsan ito ang susi eh, minsan kasi kung sino ang mga tingin mong astig, yun ang gusto mo agad kasama. Bakit hindi mo subukan yung mga taong kumakausap sayo? Seatmate mo? O yung mga ibang mga tao na sa tingin mo eh naghahanap ng kaibigan tulad mo?
- One Time Big Time Ipakilala mo sarili mo kapag inaaway ka - Hindi sa pag gamit ng dahas, hindi sa pag gamit ng pisikal. Tanungin mo sila bakit nila ginagawa sayo yun? Tanungin mo sila ano ba ang pagkakamaling ginawa mo? Kung kinakailangan humingi ka ng tulong sa teacher mo, tandaan mong siya ang pangalawa mong magulang. Para makuha ang atensyon ng mga taong nang aaway sayo.
- Huwag mo pansinin. Magsasawa din sila - andun na tayo sa puntong kahit hindi mo pinapansin eh patuloy silang nagpapapansin. Hayaan mo lang sila, gawin mo lang ang gusto mong gawin. May mga taong sadyang pasaway. At parte ng buhay sa eskwelahan yan. May nang aaway, may mabait, may kaibigan, may kaibigan na nangongopya, may kaibigan na nagpapakopya at marami pang iba.
Malalagpasan mo din yan, tandaan mong sa huli magiging kaibigan mo lahat yan. Marahil sila eh bata ang isip palang sa ngayon. Pero in the long run, sila sila rin ang makakausap mo at kayo kayo rin ang magtutulungan. It takes time.. Pero worth it ang pakikisama sa mga taong nakapalibot sayo.
DELETE ? DELETE ?
Ang hirap kapag wala kang maisip isulat, lalo na kapag gusto mong magsulat pero wala kang maisip na magandang ibabahagi sa maraming tao. Kapag sinusubukan mo naman, nakikita mo na parang ang panget ng gawa mo kung itutulad sa iba. Para kasing nakakaloko minsan diba? Kapag wala ka sa harap ng computer marami kang naiisip, pero kapag nasa harap ka na makakalimutan mo na lang agad ito. Maaring naalala mo yung iba, pero hindi sing ganda nung una mong naisip.
Minsan, walang sustansya, kaya mas pinipili mong manahimik na lang at burahin ang mga isinulat mo. Minsan nga tapos na yung sinulat mo, kapag binasa mo parang may mali pa dito eh, kaya naisip mong burahin na lang, minsan takot ka sa sasabihin ng tao sayo, sa kadahilanang taliwas ang opinyon mo sa kanila. Marami kang naiisip na problema, lalo na kapag na Writer’s Block ka.
Kaya madalas natin sabihin sa sarili natin na “Ilan na kaya ang magagandang bagay na napalagpas ko sa isip ko? Ilan na kaya yung magagandang realizations ko sa buhay na sana eh na share ko?”
Sayang nga kasi hindi ba? Malay mo yung mga bagay na naiisip mo eh maaring makatulong sa problema ng ibang tao, yung sa mga simpleng pagsusulat mo eh bigla bigla kang nakakatulong ng hindi mo nalalaman. Yun ang premyo dun. Yung nakatulong ka sa tao at nagpasalamat ito sayo.
Kaya sulat ka lang ng sulat, wag mo burahin, tanggap ng tao yan. Kasi pinaghirapan mo yan at higit sa lahat.. Inisip mo yan.
Paano daw malalaman na sincere ang isang tao?
- Pag effort, effort talaga.
- Bihira mangako, ginagawa na lang basta.
- Walang binibigay na ideya kung ano ang gusto niya.
- Ginagawa lang niya basta, kasi gusto niya.
- Kahit gaano ka kalayo, handa niyang hamakin ang maputik na daan mapuntahan ka lang.
- Pag pinakilala ka na sa magulagn niya.
- Tipong hindi mo mararamdaman na illegal ang relasyon niyo, kasi handa ka agad ipakilala sa magulang niya.
- Ipapakilala ka niya sa mga kaibigan niya, kasi proud siya na ikaw ang gf/bf niya.
- Kahit may tigyawat ka sa ilong tapos pulang pula? Kinikiss pa rin niya yun!!
- Kahit oily ang mukha mo? Aba hihimasin pa din niya yan. Kasi nga mahal ka eh. Sincere siya.
- Kapag may sakit ka, handa kang puntahan.
- Kapag clingy na siya sayo.
- Kapag medyo napaparanoid siya sayo.
- Kapag kahit busy siya, may oras siya pan text.
- Kung mahilig naman mag dota/ mag tetris yang tao na yan. Wala silang pakialam kung matalo sila. Ang mahalaga panalo sila sa puso mo.
- Sobrang generous niya sayo bilang manliligaw/kasintahan. Tipong wala siyang pakialam sa ginagastos niya as long na kasama ka niya.
- Lahat ng social networking sites nilalandi ka, sa twitter may I love you. Sa facebook may MAHAL NA MAHAL KITA. Tapos sa Tumblr may mahabang text post gaano ka niya kamahal. SHETS!
Limang pagsubok na kailangan malampasan kapag nagmamahal.
Time Test - Gaano ba katagal ang pagmamahalan niyo? Gaano ba katagal ang nararamdaman niyo sa isat-isa? Tatagal ba ito ng linggo? buwan ? taon? Hanggang kailan kayo magiging sweet sa isat-isa? Kapag nakuha mo ba ang gusto mo sa isang tao eh ganun katagal pa rin ba kahigpit ang pagmamahal na ibibigay mo sa kanya?
Distance Test - mahal mo pa rin ba siya kung sakaling malayo siya sayo? mahal mo pa rin ba kung sakaling bigla kayong magkahiwalay dahil kailangan mag ibang bansa ng isa, o kaya naman bigla kayong magkakalayo sa isat-isa dahil may mga pangyayaring hindi inaasahan sa inyong dalawa, hanggang saan at gaano kalayo ang aabutin ng inyong pagmamahalan?
Freedom Test - gaano mo siya kayang tanggapin? hindi ba dapat eh wala kang pinapakealaman sa kanya? Kung totoong may faith ka sa kanya, papatong sa isip mo ang “Kahit ano man ang gawin niya, sino man ang kasama niya, sigurado akong sa akin pa rin ang bagsak niya.”
Growth Test - dito naman ang respeto sa isat-isa na binibigay para maging mas mature ang isang tao, ito ang pagsubok na binibigay para maging open sa bagay bagay at maging mas mature ang isip ng dalawang magkasintahan, kung parehas kayong parang bata sa relasyon niyo, walang mangyayari sa inyo. Bakit hindi ka kumuha ng baby sitter kung kayong dalawa eh bata bata pa. Dapat laging may mature at sigurado akong madadala mo ang partner mo dahil sa pinapakita mong ugali mo. Kailangan ng isang tao na didisiplina sa isang taong nangangailangan ng disipilina. Kailangan ng sapat na oras dito para malamapasan.
Sacrifice Test - handa mo bang ibigay ang sarili mo sa taong mahal mo? handa ka bang ialay ang buhay mo sa kanya bilang isang kasintahan o kaya naman asawa? Kaya mo bang bitawan ang mga bagay na importante sayo pero kailangan mong bitawan para maituloy ang pagmamahalan? May mga tao ka bang handang iwan para sa taong mahal mo? Hanggang saan ang kaya mong ialay? Gaano kahaba ang pasensyang ibibigay? Masasabi mo bang martyr ka kung ikaw lang ang nagmamahal at nagbibigay ng sakripisyo? Hindi natin alam.. Ibat-iba kasi tayo ng estilo ng pagmamahal at pagbibigay ng sakripisyo, ibat-iba ang mundong ating ginagalawan, ang mga taong nakakapaligid satin, mga taong nakakaimpluwensya sa atin.
![]() |
| Ohwie Mercene Singh |
Ganda Tutorials 101
Hindi mo kailangan ng make up. Maniwala ka, iba pa rin kapag nakita nila ang natural mong ganda.
- Kapag hindi ka nag make-up, wala ng ibang sasabihin pa ang tao sayo, hindi nila sasabihing maganda ka dahil puno ng pintura ang iyong mukha.
- Hindi mo naman kailangan mag pa seksi, mas seksi ang taong may magandang ugali.
- Matutong ayusan ang sarili, unang una sa hygiene, kelangan walang amoy. Dahil kung amoy anghit, baktol, putok o anu mang hindi kanais nais na amoy, walang kwenta ang ganda mo.
- Know the right dress, isa ito sa mga mahahalaga sa babae, ang alam ang mga bagay na damit sa kanila.
- Huwag maging maarte. Maging one of the boys.
- Minsan dagdag ganda points ang medyo boyish.
- Nagiging maganda ang babae kapag laging nakangiti.
- At higit sa lahat, ipaalam mo sa lalakeng maganda ka. Yung hahabulin ka nila, hindi yung ikaw ang naghahabol sa kanila.
- Ang mahalaga sa lahat magpakatotoo ka lang. Iba ang taong may magandang ugali, hindi ka mahihirapan ipakita ang tunay na sarili mo.
Madali lang.
Tutal nababasa mo to, ibig sabihin blogger ka sa tumblr.
- MAG TUMBLR BUONG ARAW, GABI
- MAG TUMBLR BUONG ARAW, GABI
- MAG TUMBLR BUONG ARAW, GABI
- Kumain sa harap ng computer.
- Bumili ng french fries, kumain ng chocolate, bumili ng softdrinks.
- Kumain ka ng madami sa madaling araw, mabagal ang metabolism at pag burn ng fats dahil wala ka namang ginagawang activity.
- Maglaro ng maglaro, hindi mo napapansin na nagugutom ka, tapos kakain ka, gutom na gutom ka, syempre kakain ka ng madami.
Madaming paraan, kakain ka lang naman talaga para tumaba.
Kung lalake ka, MAG ASAWA KA NA, siguradong mananaba ka dahil mawawalan ka ng oras sa sarili mo at puro pamilya mo ang aatupagin mo. HAHA
Uri ng pag gawa ng assignment.
via Internet - dahil tayo ay mga batang moderno na, wala na atang mahirap na assignment ngayon basta definition. Ayaw ng karamihan ng Mathematics na assignment dahil wala naman nakikita sa internet na sagot nun. Mas gusto nila ang definition dahil ilalagay lang nila yung salita tapos kokopyahin nalang nila ito. Kawawang author ng pinagkopyahan, na plagiarism pa.
via Sipag at Tiyaga - ito yung mga gumagawa ng assignment, mga estudyanteng loyal sa teacher, ginagawa nila ang assignment sa library o kaya naman sa librong binili. Hindi na nila kailangan ng internet dahil meron nga naman ito sa libro. Ito yung mga taong gustong mag-aral habang gumagawa ng assignment. Meron pa ba nito?
via Multi-tasking - ito naman yung ang onti lang ng assignment pero ang tagal tapusin, paano bukas ang facebook,twitter,tumblr o friendster o kung ano mang social networking sites meron ka, tipong isang letra eh alt tab ka ng alt tab. Anong oras ka matatapos niyan? Meaning of science lang naman ang assignment mo tapos inaabot ka ng ilang oras.
via Pizza hut - Hot and on Time. Ito yung mga gagawa ng assignment sa school, papasok ng maaga para makakopya sa kasama. Ito yung super bilis magsulat, tipong kopya lang ng kopya pati pangalan nakopya na. Ito yung wala ng pakialam kung mali o tama yung kinokopya niya, basta may maipasa. Ramdam ng guro na mainit init at umuusok pa ang takdang aralin na ibinigay.
via Mema - ito yung walang libro, tapos nawalan ng internet,Ano nga ba ang MEMA?
- Mema sulat lang.
- Mema sabi lang.
- Mema ipasa lang.
- Mema ipakita lang.
- Mema gawa lang.
Payong kalusugan.
Worth it basahin ito. Hindi ako mag aaksaya ng panahon sulatin ito kung walang kwenta. Concern lang ako sa mga kalusugan ng iba nating tumblrista.
Payong kalusugan lamang. Tutal mag susummer na at gusto mong pumayat.
Alamin mo ang DCI mo. O ( Daily Calorie Intake)
Ang kailangan na calories ng isang tao ay 2500 calories.
Kung ikaw naman ay mag papapayat. 1500 Calories lang ang daily calorie intake mo dapat. Kasi yung 1000 na matitira para maging 2500 ayun ang mabuburn ng katawan mo.
Mag jogging ka, mag exercise. Masarap sa pakiramdam, nakakatamad lang sa una, ikaw ang mag bebenefit ng katawan mo in the long run.
Huwag katamaran kung sarili ang nakasalalay dito. Kelan ka mag sisimula? Kapag sobrang taba mo na? Kung dadating ka rin naman sa puntong mag papapayat ka.
Kapag bibili ka ng pagkain, tignan mo ang Nutrition Facts. Check mo ang calories ng mga ito.
| Magdagdag ng caption |
Ito ang nutrition fact ng isang mineral water. Kung makikita mo 0% lahat, dahil mainam ang water therapy. Kahit isang galon ang inumin mo niyan. Hindi ka mananaba, pero tandaan mong pwedeng lumobo ang tiyan mo.
Kung bibili ka ng softdrinks, ang minimun na calories ng isang softdrink ay 175. Hindi ko alam kung totoo ang mga nakukuha sa Coke Zero na Zero Calories daw..
Sana ay nagka idea kayo at ako ay nakatulong.
Kapag may taong gustong sumali sa grupo mo pero alam mong tamad siya.
Ano nga ba ang magandang gawin? Ano nga kaya ang tamang diskarte para dito? Siguro sa una maari mo siyang tanggapin? At sabihin mo sa kanya ang mga bagay na ito.
- Kuya/Ate kaya na naman namin ito, pero dahil nga sa normal na estudyante lang rin naman kami at nilagay namin ang sarili mo sa katayuan mo, eh mahirap nga maghanap ng ka grupo, pero sana po hindi ka tamad.
- Kuya/Ate wala na ba talaga sa ibang group? Ok na naman kami eh, may naka reserve na kasi sa slot namin. Try niyo po sa iba, baka pwede pa. Sorry po ( kung sobrang ayaw mo talaga)
- Kuya/Ate papayag kaming sumali ka, pero we have the right na tanggalin ka kapag hindi ka na tumutulong at puro dahilan ka na lang sa amin ha?
- Kuya/Ate hindi po pwede dito yung ambag ambag lang, yung kami yung gagawa pero ikaw magbabayad lang? May pera din naman kami, so hindi namin kailangan niyan.
- Kuya/Ate ok lang naman, pero sana alam mo na groupmates tayo, ibig sabihin grupo nating gagawin ito at hindi individual. Iisang grade lang ang makukuha natin dito, kaya sana po wag tatamad tamad.
Marami pa eh, siguro naman kapag nasabi mo yung iba diyan eh mahiya na ito sayo at siya pa ang maging pinakamasipag sa grupo. Minsan pakita mo na palaban ka, yung tipong parang kakainin mo siya ng buhay. Hirap kasi kapag medyo malamya ka o kaya naman sobrang bait-baitan eh baka abusuhin ito at akalain niyang ok lang lahat ang pinag gagawa niya. Nasasayo naman yan eh, gusto mo ng matinong ka grupo? Maging matinong leader ka.
Pogi Tutorials 101
- Just be yourself. Hindi lang yan nakikita sa panlabas kung maganda o pogi ka.
- Huwag kang mag foundation, pang babae lang yun.
- Huwag kang magpupulbos nang pawisan ka. magiging pastilyas ang mukha mo.
- Mataas dapat ang self confidence mo. Pogi ka nga, dadaigin ka pa ng mga panget na makakapal ang mukha diyan. Tulad ng ginagawa ko ngayon. Huwag kang torpe, may maipagmamalaki ka.
- Marunong ka dapat magdala ng damit. Maraming pogi/maganda diyan, jejemon lang mag suot, sayang ang itsura nila, baduy naman ang porma.
- Maging simple ka lang.
- Dapat mabango ka lagi, kahit na nakapambahay ka lang dapat nag papabango ka, kapag aalis ka banguhan mo ang sarili mo, mabilis ma attract ang babae kapag mabango ang amoy mo.
- Minsan INBORN na lang talaga.
- Kung sobrang pogi ka naman eh mag ingat ka, baka matulad ka kay Piolo Pascual, kay Sam Milby at sa ibat-ibang gwapong artista diyan. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin.
Ngayon alam mo na ang ilang tips para maging Pogi.
True Love?
Ahm mahirap magsabi ng true love. Wala naman talagang nakakapagsabi nun eh. Pero ang the best way na gawin mo dyan eh ingatan mo at alagaan mo. Walang makakapagsabi ng True Love eh. Pwede siguro kapag nakuntento na kayong dalawa sa isa’t-isa. Masyado pang maaga para masabing true love na yan Dahil maraming pwedeng mangyari.
Maaring naiisip mo na True Love yan dahil masaya lang kayo ngayon. Pero what if dumating yung oras na may problema na kayong dalawa at parang sumusuko na yung isa. True love pa rin ba para sayo yun? Ayun ang point ko dyan.
Basta, huwag mo na lang isipin kung True Love yang nararamdaman mo. Just give him/her unconditional love. Once kasi na tinanong mo ang sarili mo kung true love yang ginagawa mo eh parang you’re not doing it natural. Parang lahat ng ginagawa mo sa kanya eh kinikwestyon mo kung tama ba yun. Parang ginagawa mo yung just to show him/her na ikaw ang True Love niya. Di ganun yun. Mapapatunayan yun kung handa ka na niyang bigyan ng singsing o handa ka ng tumanggap ng singsing mula sa kanya. That’s true love :)
Magulong Pag-ibig.
Minsan mapapatanong ka na lang talaga sa sarili mo bakit kaya hindi ka siniswerte sa pag-ibig. Tipong kilala mo ang sarili mo na kaya mong ibigay ang gusto nila. Kapag titignan mo naman ang sarili mo, masasabi mong may itsura ka at ang itsura mo eh hindi pang jejemon. Ayos ka manamit at normal kang pumapasok sa Paaralan kaya masasabi mong edukado ka na rin kahit papano.
Tapos kapag titignan mo sa paligid mo. Yung mga tao eh naghahanap ng qualities na meron ka. Pero patuloy na walang nagkakagusto sayo. Gusto nila ng taong masayahin. Alam mo sa sarili mong masayahin ka. Hindi mo alam kung plastik yung mga nasa paligid mo oh katulad mo lang rin silang pilit pinipilit yung mga taong hindi sila gusto. Iba nga naman kasi ang feeling kapag nabaling mo yung atensyon nung taong walang may pakialam sayo eh. Pero nakakaloko talaga minsan no?
Kapag titignan mo ang positive side neto. Para bang, sobrang worth it ka sa isang tao kaya hindi ka binibigay sa parang wala lang? O nag hihintay lang rin tayo ng taong pang matagalan talaga. Pang matagalan na hindi yung magiging kayo for many years tapos maghihiwalay ah? Yung masasabi mong sayo talaga hanggang pagtanda. Bihira mo pa mararamdaman ngayon un eh. Sa edad natin ngayon? Sa Age Bracket natin na ang uso lang talaga eh landian landian lang. Kasi dun nag eenjoy ang tao eh.
Kasi nga, ang prefer ng tao ngayon is yung ma attract lang. Hindi yung magmahal. Gusto nila yung kinikilig lang, pero ayaw nila nung minamahal sila. Gusto nila kapag pumasok sila sa relasyon, pati mga kaibigan nila kinikilig sa kanila. Kumbaga, ilalagay nila yung mga syota nila sa istante dahil gusto nila ng mga relasyon na pang display lang. Nag-iba na ang ikot ng mundo eh. Iba na ang pagkakaintindi ng mga tao kung paano magmahal. Di na uso ang mabait. Uso na ngayon yung may itsura, tapos papakisamahan na lang. Kaya maiisip mo na ok na lang maging stayput eh.
Dahil kapag stayput ka. Masaya ka lang palagi. Pero may time na malulungkot ka. Pero panandalian lang naman. Makakakita rin tayo Hindi man ngayon, malay natin? Bukas? O kaya naman sa mga susunod na araw. Huwag lang mawawalan ng pag-asa.
Minsan parang ang hirap nung tanging Friendship na lang ang ma ooffer niya sayo no? Tapos close kayo o masaya ang pinagsamahan niyo. Tapos ang malungkot pa dun alam mo sa sarili mo na “never” na magiging kayo. Yun bang darating yung araw na magkakaroon siya ng taong mamahalin niya tapos ikaw nakamasid lang sa kanila. Tipong yung pinapangarap mong love story niyo eh nakikita mo sa kanya kasama ang iba?
Yung palaging andun yung sakit. Yung hindi mawala wala yung ilusyon mo sa isip na “Paano kaya kung ako yung taong mamahalin niya?” Mararamdaman ko rin kaya yung sobrang kasiyahan dahil nung magkaibigan palang kami eh sobrang saya na naming dalawa? Paano pa kaya kapag nagmahalan pa kami?
Tapos minsan na iilusyon mo yung mga araw na baka mag I love you rin siya sayo. Tapos mag iilove you ka rin sa kanya pero wala eh, gumagawa ka ng sariling love story sa isip mo. Ikaw ang direktor, at kayong dalawa ng taong gusto mo ang loveteam. Minsan napakahirap tanggapin na wala kang masamang intensyon sa kanila pero napipili ka pa rin nilang saktan at iwan.
Hindi mo masabing mahal mo siya dahil baka sabihin niyang masyadong mabilis. At may mga pagkakataon naman na gusto mo maging natural lang lahat sa inyo. Yun bang, mag uusap na lang kayo na maging kayo kasi nga sobrang saya na ng memories niyong dalawa. Tipong landi landi muna at wala ng ligawan na mangyayari tapos isang araw kayo na agad. Kumbaga dumaan kayo sa proseso eh, hindi kayo nagmadali. Pero ang mahirap nasa proseso kayo tapos sa huli ma rerealize niya na hindi ka pala talaga niya mahal. Na nasasayo kung tatanggapin mo yung offer na friendship niya… o magiging strangers kayong dalawa.
“May sasabihin ako sayo”
Nasindak ka na ba ng salitang yan? Ramdam mo biglang heart attack no? Bigla kang mangingilabot at sobrang kakabahan kapag nakita mo yang salitang yan sa text o sa chat o kaya naman maaring sa Personal o kaya sa Telepono. Pero ang dyahe ng pakiramdam kapag sa text tapos mahina ang signal tapos atat na atat kang malaman kung ano yun at the same time sobrang kinakabahan. Natatakot ka na sobrang napaparanoid dahil parang alam mong may mali o kaya naman eh nagdududa ka sa itatagal ng relasyon niyo.
Tipong kapag hindi pa siya nagrereply ang daming papasok sa isip mo. Malas mo pa kapag delay ang message niya sayo. Syempre napadali nga naman iwan ng isang tao eh. Pwede nilang sabihin na ayaw na nila sayo. Pwede rin namang sorpresa pala nila yun sayo. Sinong makakaalam? Wala. Kundi sila lang. Kaya nakakayamot kapag may mga ganyan. Madalas din kasi sa break up ang hantong kapag mag on kayo. Minsan naman may aaminin na sobra kang masasaktan.
Kanya kanyang kwento yan eh. Pakshet lang talaga yung pakiramdam na yan. Parang ilang taon kang naghihintay sa loob ng isang minuto. Tapos laking ginhawa mo lang kapag sinabi niya na “Mahal kita” o kaya naman malas mo naman kapag lalake ka. Ang sasabihin sayo ng babae eh “Buntis ako, hindi ikaw ang ama.” Shet na malagkit. Daig pa ang nabanlian ng mainit na kape sa Tarvax!! Buhay nga naman! Bakit pa kasi nabuo yang pangungusap na yan e no? Pwede namang mag straight to the point na lang. Bakit kailangan pang sabihin na may sasabihin siya sayo. Nakakapanghina kaya.
Tipong kapag nasabi mo lahat yun at nasaktan mo ang damdamin niya o kaya naman eh nairita mo siya mag sosorry ka at kapag pinatawad ka eh parang lalabas na parang wala lang nangyari. Minsan iisipin mo what if palagi ka na lang tahimik? May mangyayari kaya? What if palagi ka nalang ngingiti para kunwari wala kang problema? Mapapansin niya kaya na may pinagdadaanan ka?
Natutuwa tayo kapag masaya sila. Tapos kapag nagagalit sila satin. Pati tayo.. Nagagalit sa sarili natin. Parang ang hirap kasi tanggapin nun eh diba? Yung taong mahal mo. Galit sayo.
Minsan, pakiramdam natin wala lang tayo sa mundong ito. Pakiramdam natin mag-isa lang tayo palagi. Pakiramdam natin nabubuhay tayo para sa sarili lang natin. Nakakainis na nabubuhay ka sa buhay na takot kang sumugal. Sa buhay na takot kang mawala lahat. Naging ikaw yung tao na ayaw mo. Yung taong walang tiwala sa sarili, yung taong sobrang mababa ang self esteem dahil sa paulit ulit na nangyayari sa buhay mo.
Madalas mong isipin na ano nga kaya ang mali sa sarili mo bakit patuloy na nawawala ang tao sayo? Minsan nandyan yung tao pero ramdam mong anytime pwedeng bumitaw. Ina apply mo naman yung mga natutunan mo sa mga dati mong naranasan pero sa huli wala pa rin at iba pa rin. Lakas pa ng loob mong sasabihin mong kaya mo na pero wala.. Pakiramdam mo sobrang wala ka. Sobrang hindi ka nag eexist sa buhay ng tao.
Madalas gusto nating mag-isa, Pero nalulungkot tayo dahil wala tayong mapagsabihan at wala tayong makakwentuhan. Madalas na pinipili nating mag-isa dahil andun yung paniniwala nating walang problema kapag mag-isa. Pero nakakatuwa na kahit sinasabi mo yung bagay na yun eh kapag may taong handang pumasok sa buhay mo eh pinapatuloy mo naman ito.
Sarap lang kapag nasa mood ka mag-aral. Ang sarap lang pumasok sa eskwelahan kapag gets mo yung dinidiscuss ng teacher mo. Tipong pag uwi mo sa bahay eh handa ka ng gawin yung homeworks mo. Parang yung GIF na to. Parang ang sarap kapag sobra mong ineenjoy ang pag-aaral no? Marami kasi satin ang napipilitan dahil sa mga course nila kaya hindi nila ineenjoy. O kaya naman galit sa subject dahil terror ang prof.
Kung tutuusin napakadaling mag-aral ngayon dahil andyan na lahat ng information sa Internet. Kapag may hindi ka alam eh i rephrase mo lang yung nakita mo sa Internet eh may grade ka na agad sa propesor mo. Pero madalas tinatamad pa rin tayo. Nagtitiwala kasi tayo sa stock knowledge eh tska sa mga taong nakapaligid satin. Minsan nakakatakot din kapag nasanay na puro kopya. Sa tingin ko in the long run pa nila mararanasan yung hirap at marerealize nila na sana hindi nila dinaya yung mga araw na may pagkakataon pa silang magbago
Kung bawat hiling natin eh gagamit tayo ng isang bituin. Siguro ubos na ang bituin sa kalangitan. Sa hirap makuha ng taong gusto natin eh kakailanganin natin humiling ng marami bago ito matupad. Maiisip lang naman natin humiling kapag nagawa mo na yung parte mo eh. Kapag wala naging outcome yung paghihirap na ginawa mo. Buti pa ang bituin sa kalangitan. Kahit na nag-iisa paminsan minsan eh nakukuha pa rin nitong kuminang at mabuhay.
Kaya lang naman natin gusto ng kasama dahil sa takot na baka mabuhay tayo at masanay mag-isa. Ayaw natin mangyari yun. Dahil bawat isa sa atin, dapat may isang taong handang magmahal. Yung taong hahayaan nilang kuminang ang bituin. Yung taong hindi hahayaang humiling ka pa para mabawasan ulit ang mga bituin sa langit.
Yung taong sasama sayo… Pagmasdan ang mga bituin..
Uri ng selos.
Selos dahil sa kaibigan.
minsan kahit bukas na ang isip natin sa ganitong pangyayari, hindi maiiwasan ang magselos sa kaibigan, dahil minsan iisipin mo na buti pa sila nakakasama ang bf/gf mo. Tapos ikaw pa tong hindi. Parang nakakainsulto sa part mo, pero dapat tandaan mong kailangan niyang makasama ang mga kaibigan niya, isa rin itong magandang paraan para hindi ka niya agad pagsawaan.
Selos dahil sa makasarili.
Gusto mo sayo lang talaga siya, ayaw mong makakakitang kasama siya ng iba, in short, ito yung selos na nakakasakal, hindi naman sa pinagdadamot mo, hindi naman sa pwedeng umalis, gusto mo lang iparating sa taong mahal mo na, ok gawin ang lahat, pero hindi matatanggal ang selos mo sa mga gagawin niya. Nasa sa kanya na lang kung gagawin niya ito.
Selos dahil nagmamahal.
Nagseselos ka kasi nagmamahal ka, pero alam mo ang limitasyon mo bilang isang karelasyon. Tipong bukas ang isip mo sa mga pwedeng mangyari, ang gusto mo lang sa kanya ay magkwento siya kung ano ang nangyayari, kung sino ang mga kasama, update lang ang kailangan mo para hindi ka maparanoid.
Selos para makipaghiwalay.
Gagamitin ang selos, dahil sawa na siya sa relasyon, lahat ng bagay bibigyan ng kulay, para lang magkahiwalay, kahit walang dahilan pagseselosan, magsasabi ng masasamang salita, magsasabi ng kung ano ano, hanggang dumating sa puntong wala na, dadating sa puntong magkakahiwalay na kayo.
Marami pang uri ang selos. Nasa tao na yun kung paano niya ipapaalam at ipaparamdam.




.jpg)


.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)
.jpg)

.gif)




.jpg)